Matthew 24:32-35

Ang Aral Mula sa Puno ng Igos

(Mar. 13:28-31; Luc. 21:29-33)

32“Unawain ninyo ang aral na ito mula sa puno ng igos: Kapag nagkakadahon na ang mga sanga nito, alam ninyong malapit na ang tag-init. 33Ganoon din naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang lahat ng sinasabi kong ito sa inyo, malalaman ninyong malapit na akong dumating. 34Sinasabi ko sa inyo ang totoo, matutupad ang lahat ng ito bago mawala ang henerasyong ito. 35Ang langit at ang lupa ay maglalaho, ngunit ang mga salita ko ay mananatili magpakailanman.”
mananatili magpakailanman: Ang ibig sabihin, tiyak na matutupad.


Copyright information for TglASD